Sunday, May 20, 2012

My ZALORA wishlist: (Listahan ng Gusto ko sa ZALORA)

Sa panahong ngayon, laganap na ang online shops sa internet. Ano nga ba ang mayroon sa mga online shops at tinatangkilik ito ng karamihan?

Ako rin mismo, ay mahilig sa online shopping, madali lang naman gawin, basta sigurado ka lang sa iyong hinahanap at kung ano ang gusto mong bilhin, isang click lang, hintay ng ilang araw at mapapasayo na ang gamit na matagal mo nang ginusto, pero may mga hindi kaaya-aya sa online shopping. Ang mga larawang na inyong makikita ay hindi nangangahulagan na ganyan din kaganda sa personal, hindi mo maisusukat o mahahawakan ang gustong mong mga bagay; hindi mo rin masasabi na ang gusto mong kulay ay bagay ba sa'yo o hindi. Meron kasing ibang online stores na hindi tumatanggap ng return & exchange policy kaya, kung ano ang matatanggap mo, mapipilitan kang gamitin kahit labag sa kalooban mo, idagdag mo pa ang shipping fee na ibinayad mo, sus maryosep! kung tutuusin mas mahal pa ang shipping fee kaysa sa binili mo. Sa panahon ngayon, bihira lang sa mga online stores ang may free shipping.Ganun pa man, may mga online stores pa rin na mapagkakatiwalaan, at isa na doon ang ZALORA. 


Ang ZALORA ay isa sa pinakamatagumpay na online shop sa ngayon, maraming brand na mapagpipilian, mapa babae man, o lalaki, bata o matanda, fashionista ka man o hindi. Mula sa iba't-ibang istilo hanggang sa presyo, mahal man o mura, marami kang mapagpipilian sa ZALORA! :)

Hassle free pa, kasi, click mo lang kung ano ang gusto mong bilhin, pili nang kulay, size, idagdag sa cart, pagkatapos, babayaran lang ang halaga ng mismong item na gusto mo, FREE SHIPPING NATIONWIDE, kahit saang sulok ka man ng Pilipinas, maabot ka ng ZALORA, Libre pa! Hindi ka mangangamba sa kung ano ang deperensya ng larawan sa personal, kasi mapagkakatiwalaan ang mga brands na sangay ng ZALORA. At kung hindi ka kuntento sa iyang natanggap, maari mong isauli sa loob nang 30 araw.

Ako mismo ay maraming gusto, halos mapuno na nga ang 'wishlist' ko, dahil, maraming magagandang items ang nakita ko sa ZALORA, pero kung pagbibigyan ng pagkakataon, narito ang unang limang (5) bagay na gustong-gusto ko.

5.  BLACK LABEL SUPERBREAK, JANSPORT BAG.


Kung sino man ang nakakabasa ng Blog na ito at may ayaw sa Jansport bags ay, sosyal masyado! :DD
Kung tutuusin, ang mga bags na kabilang sa Jansport ay napakatibay. Sa kahit anong okasyon pwede mung gamitin ang jansport bags, dahil mayroon din silang iba't-ibang desenyo. Mayroong pang estudyante, propesyonal, at mga pang traveller kung baga.
Kaya naman, nagustuhan ko itong bag na ito kasi
1. Jansport ang brand
2. Worth it ang mga jansport
3. Dahil, colorful ang bag na ito
4. Dahil estudyante pa ako, at balang araw, magiging traveler ako, at magagamit ko pa rin 'to.
5. Dahil, kailanman, hindi pa ako nag kakaroon ng bag ng Jansport.

4. CRAFT, RAY-BAN
Sa totoo lang, wala akong matinong sunglass. Kasi marami namang sunglasses na puchu-puchu lang, yung tipong mabibili mo sa sidewalk, tapos ilang minuto lang ay nahihilo kana, parang nilagyan ng lason yung mga mata mo. 'di, joke lang. 
May kaartihan kasi itong mata ko, gusto nia Ray-Ban.
Kaya naman, Zalora, please naman oh, pag bigyan mo naman ako, sa tuwing suot-suot ko ang original na Ray-Ban, feeling ko, ako si Anne Curtis. xDDD At importante rin magkaroon ng original na sunglasses ngayon, sa init ba naman ng panahon, at nakakasilaw na araw, kaya mo pa kayang mag lakad na hindi pumipikit? 


3. CLASSIC CHICK, TIMEX

Ang mahal din pala ng Timex no? Bagama't mahal ang relo na ito, ay may tamang rason naman kung bakit ganito ang presyo ng Timex watch; mukha palang nito, feeling ko, kailanman, HINDI NA AKO MAHUHULI SA PASUKAN, o sa kahit ano mang okasyon. Hindi dahil Pinay ako eh susundin ko ang 'Filipino Time'. Minsan kasi may panahon rin na parati akong late.
Gusto ko ang Timex watch na ito dahil bagay sya sa kahit anong damit o okasyon, mapa pormal man o semi-pormal, bagay rin sya para sa pang araw-araw na gamit.

2. BEIGE DRESS WITH CUTOUT BLACK, MADE U LOOK

Naghahanap ako ng masusuot sa darating na Hulyo. May kasalan kasi na magaganap. Ikakasal yung pinsan ko, ang theme ay garden wedding. Walang ibang shop na makita at sa online lang umaasa, ito'ng dress na ito ang nakita ko. Nagustuhan ko rin ang color nya, nude lang, bagay sa kahit anong kutis. Sana naman, ito na ang masusuot ko sa darating na Hulyo. 

1. CNN PUMPS, GIBI


Lahat ng babaeng nakilala ko ay mahilig sa sapatos, kung ikaw man ay isang babae, at wala kang hilig sa sapatos, malamang mas mahilig ka sa Bag. :) tama?
Gusto ko sanang magkaroon ng Gibi shoes na ito. Nakakita na rin ako ng ganito sa personal, kaya hindi ako nag aalinlangan na idagdag ito sa listahan ng mga gusto ko mula dito sa ZALORA.
Ang maganda pa ay, matibay at hindi madaling masira ang mga sapatos ng Gibi. Hindi pa kailanman ako nagkaroon ng sapatos na may habang liman (5) pulgada na takong. Sana naman ZALORA PH. mapasaakin ang sapatos na ito.

Gayunpaman, nais ko sanang humingi ng supporta sa ZALORA PH, Sana naman ay mapasaakin ang limang (5) bagay na inilista ko. 

Gayunpaman, maari ka rin mamili ng mga bagay na gusto mo. 
Punta ka lang sa:






No comments:

Post a Comment